Ilang ulit mo bang, itinatanong sakin
kung hanggang saan,hanggang saan, hanggang kailan,
hanggang kailan mag tatagal,
ang aking pag mamahal,
Ilang beses na nga ba ika'y natanong? Hanggang kailan, hanggang saan?
hanggang may himig pa akong naririnig,
dito sa aking daig-dig
hanggang may musika akong tinataglay,
ika'y iniibig
Ilang beses na rin bang tumulo mga perlas mong luha? Ngunit hindi nagsawa ang iyong pagmamahal. Ni hindi tumalikod, walang panahon ng paglisan..
giliw wag mo sanang isiping
ikaw ay aking lilisanin,
di ko magagawang
lumayo sayong piling
at nais kong malaman mo
kung gaano kita kamahal
Bakit nga ba? Hindi ko mawari 'yang puso mo... pero patuloy siyang tumitibok, naririnig ko. Bakit nga ba? Bakit? At sa mga sandaling ninais kong lumayo, ika'y nanatili...Bakit mo nga ba ako minahal?
hanggang ang diwa ko'y
tanging sayo laan
mamahalin kailanman
hanggang pag ibig ko'y
hanggang walang hanggan
tanging ikaw lamang
Hindi ko maintindihan. Hindi ko kayang tumbasan, ngunit sa puso ko'y Ika'y nanahan. Lagi na lang...akong umiiyak sa walang kondisyong iyong pagtanggap. Bakit mo nga ba ako minahal?
hanggang may himig pa akong naririnig
dito sa aking daig-dig
hanggang may musika akong tinataglay
ika'y iniibig
Ngayo'y hindi ko maipapangako ang katumbas ng iyong puso, ngunit ito'y ilalaan para sa iyo lamang.Sa mga pagkakataon ako'y makalimot, ipagpatawad muli, saluhin mo ako ng iyong pag-ibig. Hanggang kailan, hanggang saan? Maaring 'di ko alam...
giliw wag mo sanang isiping
ikaw ay aking lilisanin
di ko magagawang
lumayo sayong piling
at nais kong malaman mo
kung gaano kita kamahal
Ngayo'y ito'y pinanghahawakan, sumpa nang walang hanggan. 'Wag bibitiw O giliw, 'wag lilisan...Ika'y minamahal.
hanggang may puso akong
marunong mag mahal
na ang sinisigaw ay lagi ng ikaw
hanggang saan hanggang kailan
hanggang kailan kita mahal
hanggang ang buhay ko'y
kunin ng may kapal
Hangga't sa ang puso ko'y nagmamahal, ika'y isisigaw...
giliw wag mo sanang isipin
ikaw ay aking lilisanin
di ko magagawang
lumayo sayong piling
hanggang may pag ibig
laging isisigaw, tanging ikaw
O Giliw
hanggang may pag ibig
laging isisigaw, tanging Ikaw...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment